The Idealistic Chick
Index Contact Twitter Facebook Theme

May lalaki pa ba na…

  • Nandyan lagi sa tabi mo. Hindi ka iiwan at hahayaan na mag-isa lang. Sasamahan ka sa lahat. Kung may importante man siyang gagawin, sasabihin niya agad ito sayo. At kahit man na busy ka, sasamahan ka pa rin niya sa gagawin mo at di siya mang-iistorbo. Hindi ka niya kakausapin basta makasama ka lang at makakasigurado siyang safe ka. OA para sayo dahil alam mo naman na walang mangyayari na masama sayo pero gusto pa rin niya na gawin ‘yon.
  • Aayain ka na gumala/date. Para mas makilala ka pa. Hindi lang sa puro texts o tawag sa phone.
  • Mahilig mang-surpresa. Kahit na simpleng bagay lang na nakakapagpasaya sayo gagawin niya. Di man na bonggang surpresa pero sapat na yun para mapangiti ka.
  • Hindi nag-take advantage. Hindi kasi porket alam niya na mahal/gusto mo rin siya, gagawin niya na ang bagay na kahit ayaw mo, go pa rin siya. Dahil alam niya na mapapatawad mo rin naman siya. Yung kahit na nanliligaw pa lang siya, hindi ka niya aakbayan, hahawakan ang kamay, o mangyayakap o manghahalik na lang bigla. 
  • Hindi nagmamadali at marunong maghintay. Hindi nagtatanong at nagmamadali kung sasagutin mo na ba siya. Dahil isa yun sa pagiging mainipin ng isang tao at parang di na siya makakapag-hintay pa ng matagal. Dahil nanligaw siya dahil sa gusto niya iyon kahit pa na hindi ka papayag para lang makita mo kung gaano ka niya ka-gusto o ka-mahal. Hindi rin niya ipipilit yung mga bagay na hindi naman dapat pa ginagawa ng mga di pa kasal. In short, may respeto siya sayo.
  • Malakas ang loob na ligawan ang pamilya mo. Dahil isang sign yun na seryoso talaga siya, may respeto rin sa pamilya mo at gusto niyang legal kayo at hindi yung magsisinungaling ka pa para lang sa kanya. Kahit pa na mahirap para sa kanya na gawin ‘yon, wala siyang magagawa dahil kailangan yun. At para magkaroon din ng tiwala sa kanya ang magulang mo at di niyo kailangan pa tumakas o magtago dahil baka may makakita sa inyo na kakilala at isumbong kapag lalabas kayo.
  • Hindi malandi. Oo nakikipag-usap sya sa babae pero alam mo yung hanggang usap lang. At walang halong landi sa pakikipag-usap niya dun.
  • Hindi nangangako na di ka sasaktan o anuman na pwedeng pinapangako ng isang lalaki na isang malaking kasinungalingan na lang sa mundong ito. Pero gingawa at pinipilit niya na matupad ‘yon.

Syempre ang gagawa lang niyan ay yung mga seryoso na mga lalaki. 

(Source: cinder-iya,tumblr.com)

© The Idealistic Chick ♥ 2011–2014  |  Theme Design by Dems Villanueva